MOTHERHOOD

Jeepney

Paulit-ulit na “woooo woooo” ang tinig ng dyipni
Isa, dalawa, tatlo, apat na kolehiyo
Isa, dalawa. Dalawang di unipormado
Pito kaming pasahero, isama pa ang drayber ay walo.

Tubig ulan ay patuloy na bumabagsak,
Pasahero’y isa-isang umaakyat
Umiindak sa tugtuging di mawari
Yumuyugyog sa lubak ng kalsadang
Karamay sa buhay.
Pumipikit sa bawat gewang ng dyipning sinasakyan
Sumisimangot sa nakikitang kahirapan.

Stoplight.
Pula, berde at kahel.
Sasakyan sa pula ay huminto
Patutunguhan sandali’y inapula ang pagtungo
Pagbuhos ng ulan ay tumila
Haring araw ay bumulaga
Iba’t-ibang uri ng sasakyan
Kasabay ni “RA” ay rumagasa


Huminto-diling nag-aanimong tupa
Minsan pa’y sinilip ang mga kasama
Iba’t-ibang mukha ng buhay, eksperyensya
Maitim, maputi, maganda at panget
Di mawaring pwedeng magsama.

Nakangiti, nakanguso, lukot ang mga mukha
Mayaman, mahirap, katayuan sa buhay ay iba.

Anupaman ang nais ipabatid
Sagot sa katanungan ay nais mawari,
Buhay, patutunguhan ay saan ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *