Sa dako pa roon
Lumipad ka!
Patungo sa dako pa roon
Sa dakong nakatunghay ay isang hambog!
Lumipad sa rurok ng walang katumbas na ligaya
Sa lawak ng karangyaang dulot ay dusa.
Lumipad ka sa gitna ng mga bundok
Hatid ay pangamba..
Sa hanging ang direksyon ay di Makita
Sa ilalim ng dagat na ang hatid ay masamang alaala
Sa dako pa roon, pag-asa’y lumisan na.
Lipad! Oo, lipad!
Sa kalangitang hatid ay pag-asa
Sa asul na ulap, sumakay ka.
Pangamba’y isama sa ulan
Ipaimbuyo sa lakas ng hangin
Ipatunaw kay Haring Araw!
Sa dako pa roon mamili ka,
Ilog ng karangyaang puro dusa
O ang Bato na siyang sandigan
Sa bagyong hatid ay problema?
Sa tamang direksyon
Sa dako pa roon…
Lumipad ka!