MOTHERHOOD

Friendship…

**it is my friends who made the story of my life. In a thousand ways, they have turned my limitations into beautiful privileges.**

I’ve come to realize na kahit gaano mo pa katagal kasama ang isang tao, there’s still something na hindi mo alam sa pagkatao nito. tipong kahit gaano kayo ka-close, hindi mo pa rin masasabi that you really know a certain person.

Magugulat ka na lang isang araw sa mga pasabog na bubulaga na lang sa umagang inaasahan mong magiging masaya. Mao-off balance ka at maaalarma dahil sa dinami-dami ng pinagsamahan ng barkada, yun pang pinakaimportanteng bahagi ng pagkatao nya ang hindi mo alam. Malungkot at masakit, dahil sa haba ng pinagsamahan niyo hindi ka pa rin pala lubusang pinakakatiwalaan ng kaibigan mo. You’ve trusted all your flaws and your personality to that person, it’s not mutual pala. Parang naglolokohan lang pala kayo diba?! Pero wala kang magagawa dahl yun ang desisyon nya.. It all comes down to the word RESPECT! 


Yeah, masakit as a friend. pero dahil nga friend mo siya at dahil mahal mo siya to that extent, wala kang magagawa kung hindi tanggapin ang desisyon na iyon. Hindi mo siya tatanggapin dahil kailangan, tinanggap mo dahil mahal mo siya. 

Friendship pala doesn’t exist dahil kailangan niyo ang isa’t-isa, walang explanation sa real friendship,it just exist by itself. Yung element ng friendship nabubuo na lang kapag magkasama na kayo. Kahit ano pa ang pagkatao nito (bakla, tomboy, babae, lalake, panget at maganda), you’ll be there sa tabi niya. Babalewalain mo ang lahat lahat ng hinanakit na dinulot ng isang malaking rebelasyon na muntik ng magpabagsak ng tiwala mo. Sa huli mananaig ang kadakilaan ng puso at ang wonder ng love at friendship.


Isa lang naman ang natitirang tanong sa aking isipan: Ano bang mas mahalaga? ang nagawang kasalanan o ang pinagsamahan?

© 2007

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *