Click-go-digital
LIFESTYLE

Let’s go digital, ngayon na!

Hindi lang ang buhay ng mga tao ang nagbago makaraang tumama ang COVID-19 na pandemya sa buong mundo noong nakaraang taon. Maraming namatay, nawalan ng negosyo, at dahil walang negosyo, marami din ang nawalan ng trabaho. Marami din ang natigil sa pag-aaral at pagtuturo dahil nagsara ang mga paaralan.

Gayunpaman, nakasira man sa maraming aspeto ng buhay ang sakit na ito, mayroon din namang kung tawagin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagsilbing “silver lining” sa kabila ng mga masaklap na mga pangyayari. Napilitan mag-isip ang marami kung paano mabubuhay, ang mga negosyante nag-isip din dahil marami sa kanila sa negosyo din umaasa ng ikabubuhay ng kanilang pamilya.

CLICK poster

Mabuti at marami ang nag “adapt” sa takbo ng sitwasyon, naging “innovative.” Dahil bawal lumabas, marami ang sumabak sa “e-commerce” kung saan ang negosyo ay lahat online. Marami man sa mga batikang negosyante at yung mga nagsisimula pa lamang ay natutong gawin ang negosyo online. Medyo mahirap sa umpisa ngunit noong lumaon ay nakasanayan din. At marami sa kanila naging matagumpay. Kaakibat ng “convenience” ng online business ay hindi pa din mawawala dapat ang sipag at tiyaga.


Iyong mga nawalan ng trabaho, sumabak naman sa online delivery. May mga online delivery platforms, partikular pagdating sa pagdeliver ng pagkain at iba pang bagay, ang nakapagbigay trabaho sa mga unemployed. Basta may motorsiklo o kahit bisikleta man, pwede na sa online delivery. Maraming nagtiyaga kahit mahirap kaya marami din ang nakinabang at kumita ng maayos para sa ikabubuhay ng pamilya.

Naapektuhan din ang sektor ng edukasyon dahil natigil ang “face-to-face” classes. Mabuti na lang din at nauso ang “online classes” para sa mga may internet at kung wala man, ginawan ng paraan ng Department of Education (DepEd) na matuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng “blended learning” o paggamit ng “modules” kung sakaling walang internet sa bahay. Maraming naging pagsubok, pero hindi nagpadaig ang mga Pilipino sa hamon, guro man or mag-aaral, kaya tuloy ang pag-aaral. At kamakailan ay nagsimula na din ang “limited face-to-face classes” sa kung tawagin ay “low-risk areas” o yaong kakaunti ang kaso ng Covid-19.

Traditional vs Online Education CLICK

Madami pang mga naging pagbabago sa buhay ng tao bunsod ng pandemya. Mabuti din at napilitan ang mga Pilipino na maging malikhain. Dati-rati, ang pagsabak sa “online” gamit ang “digital technology” ay hindi gaanong pinapansin at lahat ay puro “manual” na pamamaraan pa din. Mabuti at namulat ang mata ng karamihan sa mga pakinabang gamit ang internet, ang pagnenegosyo o pag-aaral online. Dahil sa pandemya, napabilis ang “adoption” o ang pagyakap ng tao sa digital technology at kung paano nito mapapagaan ang buhay.

Subalit sabi nga ng isang superhero, “with great power comes great responsibility.” May kapangyarihan na ang tao gamit ang “digital technology” subalit may kaakibat itong mga responsibilidad. Dapat ang mga aktibidad online ay naaayon din sa batas. Sa pagbugso ng paggamit ng internet at digital technology, napapanahon na pagukulan ng pansin ang mas masidhing paggamit nito at may kaakibat na mga batas na magbibigay proteksiyon sa mga gumagamit nito para sa kabuhayan at iba pang aktibidad, at karampatang parusa din para naman sa mga aabuso nito.

Isa sa mga layunin ng “CLICK” o ang “Computer Literacy, Innovation, Connectivity and Knowledge” ay ang mabigyang-proteksiyon ang maraming sektor sa lipunan, yaong mga nagne-negosyo online, mga guro at mag-aaral para sa online classes, at pati na din ang mga konsyumer na bumibili online. Sa pamamagitan ng batas, maisusulong na ang abot-kayang internet para sa lahat kahit saan man lugar nakatira, lalo na sa may gustong pumasok sa “e-commerce,” makipag-“network” sa iba pang negosyante na may karanasan na dito, o yung may gustong mag-aral online at kahit sa mga empleyado na nais ipagpatuloy ang “work from home setup.”

Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa mga gawain “online,” lalo na sa aspeto ng “online privacy” at “data security.” Subalit sa pamamagitan ng mga panukalang batas, unti-unti ay maisasaayos lahat ng ito upang mas lalong mapabilis at maging “convenient” ang buhay, at magamit ng tao ang digital technology at gawin itong kapaki-pakinabang sa mamamayang Pilipino, ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon.

Para malaman ang iba pang detalye tungkol sa CLICK, sundan lamang sila sa kanilang social media pages.

Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, Youtube: CLICK Partylist 

LinkedIn: Partylist CLICK

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *