• MOTHERHOOD

    Jeepney

    Paulit-ulit na “woooo woooo” ang tinig ng dyipni Isa, dalawa, tatlo, apat na kolehiyo Isa, dalawa. Dalawang di unipormado Pito kaming pasahero, isama pa ang drayber ay walo. Tubig ulan ay patuloy na bumabagsak, Pasahero’y isa-isang umaakyat Umiindak sa tugtuging di mawari Yumuyugyog sa lubak ng kalsadang Karamay sa buhay. Pumipikit sa bawat gewang ng dyipning sinasakyan Sumisimangot sa nakikitang kahirapan. Stoplight. Pula, berde at kahel. Sasakyan sa pula ay huminto Patutunguhan sandali’y inapula ang pagtungo Pagbuhos ng ulan ay tumila Haring araw ay bumulaga Iba’t-ibang uri ng sasakyan Kasabay ni “RA” ay rumagasa Huminto-diling nag-aanimong tupa Minsan pa’y sinilip ang mga kasama Iba’t-ibang mukha ng buhay, eksperyensya Maitim, maputi,…